Una sa Balita

Manugang ng TV star nangharbat sa shop ng mambabatas

By
0 1,165

Sira agad ang araw ng misis ng isang mam­babatas kapag pinapa­syalan sila ng kanilang kasamahan sa simbahan.

Paano naman ka­sing hindi maiinis itong magandang misis ay nauubos ang kanyang mga mamahaling pa­ninda na pawang signature pa naman at kung makapagturo itong harbaterong ka-church nila ay para lang namumulot ng paninda.

Ang siste kasi, kumukuha umano itong pastor ng magustuhan sa botique ng misis ng mambabatas pero hindi naman nagbabayad.

Mabuti sana kung tig-pipiso lang ang pa­ninda ng magandang misis ng mambabatas pero por diyos, daang libo pala ang halaga ng mga ito.

Kapag nagre­reklamo itong magandang misis sa asawang mambabatas ay hindi agad nakakakibo si sir dahil malaki naman talaga ang halaga ng nahaharbat ng kanilang kasamahan sa simbahan.

Lalong nadagdagan ang inis ni misis dahil minsang may dinaluhan itong sosyalan ay nakita nito ang hinarbat na bag na bitbit ng manugang ni Pastor!

Sa loob-loob ng magandang misis ay todo-yabang sa mamahaling bag si manugang pero hindi alam na hindi pala bayad, at ang masaklap ay hinarbat lang ito!

Pintahan nyo na. Ang magandang mi­sis ni mambabatas ay minsan na ring hu­mawak ng puwesto sa kanilang lalawigan na nagsisi­mula sa letrang S as in Shopping.