Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manuel lagare na sa Phoenix

0 105

NAGSIMULA na sa practice kasama ang Phoenix Super LPG Fuel Masters si PBA stalwart Vic Manuel, Lunes, sa isang court sa Pasig City.

Matatandaan nitong nakalipas na linggo, na-trade si Manuel sa Phoenix mula Alaska Aces.

Isang larawan ang ibinahagi ng 33-year-old cager sa Instagram kung saan kasama nito si head coach Topex Robinson at bagong lipat rin na si combo guard Chris Banchero.

Related Posts

“My first practice as a @fuelmasters,” sey ni “The Muscle Man” sa nasabing post.

Tampok sa naganap na trade, natanggap ng Phoenix ang beteranong basketbolista, 2021 Draft seventh pick at 19th pick habang nakuha naman ng Alaska Aces si veteran guard Brian Heruela, 2021 Draft sixth pick, 16th pick at 2022 (Season 47) first round pick.

Inaasahang magpapasiklab si Manuel kamasa ang Fuel Masters sa PBA 46th season simula sa Abril. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.