Una sa Balita

Manuel inilubog ang NorthPort

0 356

Mga laro sa ­Miyerkoles: (Cuneta Astrodome)
4:30 pm – San Miguel Beer vs Blackwater
7:00 pm – Phoenix Pulse vs Magnolia

BINITBIT ng nagbabalik na si Vic Manuel at import Frank House ang Alaska Milk sa 106-99 panalo ­kontra NorthPort upang manatiling buhay sa playoff sa pagpapatuloy ng 44th PBA Governors Cup 2019-20 elims Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si best ­player of the game ­Manuel ng 23 points, 10 ­rebounds, at tig-1 steal at block upang tulungan ang Aces na umahon mula sa pitong puntos na pagkakaiwan tungo sa ­pagbigay sa team ng ikatlong ­panalo sa ­siyam na laro at umakyat sa ninth spot.

“Ni-remind lang kami ni coach Jeffrey (Cariaso) na every game, magtulungan lang kami. Every game is crucial, and basta positive lang kami,” suma ni Manuel, na patuloy na nananatiling perpekto sa free throws sa naipasok na 16 of 16.

Pumoste naman si House ng 23 markers, 11 boards, 5 assists at 1 stl, upang panatilihing buhay ang tsansa ng Aces na makaagaw ng silya sa quarterfinals.

“With the situation were in, pabor ang mga susunod na schedule at last games namin. We had a week to prepare, then game time, that is helping us,” bigkas ni Aces coach Cariaso.

Nabalewala kayod ni Christian Standhardinger na career high 37 pts., 16 rebs. at 5 feeds para sa NorthPort na nahulog sa 3-5 panalo-talong record kahit nakakapit sa eight place.

Ang iskor:
Alaska 106 – House 23, Manuel 23, Tratter 17, Teng 13, Enciso 8, Casio 7, Racal 6, Thoss 4, Ahanmisi 4, Pascual 1, Ayaay 0.
NorthPort 99 - Standhardinger 37, Qualls 35, Anthony 8, Lanete 8, Casio 7, King 5, Ferrer 3, Taha 2, Elorde 1, Cruz 0, Escoto 0.
Quarters: 28-29, 53-48, 83-76, 106-99. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy