Manual learning kung walang internet

Hindi mauubusan ng opsyon sa pagtuturo ang Department of Education (DepEd) sa blended learning sakaling hindi umubra ang online, radyo at telebisyon na bagong paraan ng pagtuturo dahil sa epekto ng COVID pandemic.
Ito ang inireport ni DepEd Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong sa Malacañang nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni Briones na maaring gawing manual ang pagtuturo sa mga estudante sa elementarya at high school dahil gagamit ng modules ang mga bata.

“Puwedeng mag-online, puwedeng mag-offline, puwedeng radio , puwedeng television at kung wala talaga , if all of the above wala, yung tinatawag nating IBM or it’s better manual,” ani Briones.
Ang modules o learning materials ay ipapamahagi sa mga estudyante at ihahatid sa kanilang bahay-bahay sa tulong ng mga lokal na opisyal sa kanilang komunidad.(Aileen Taliping)