Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mansyon ni John Travolta binebenta ng $5M

0 62

Ibinebenta na ni Hollywood star John Travolta ang kanyang mala-hotel na mansion sa US state na Maine.

Mala-hotel ang mansion dahil sa mayroon itong nakamamanghang 20 bedroom!

Sa halagang $5 milyon o nasa P242 milyon ay mapapasaiyo na ang New England compound na mayroon ding pitong banyo.

Maliban doon, mayroon ding 14 guest room ang 3-story house.

Inilaan para sa mga bata ang ikatlong palapag ng bahay na tinatawag na ‘Fantasyland’.

May classroom ito, library, diner, theater stage at apat na themed bedroom kabilang ang Peter Pan room at Princess room.

May lawak ang mansyon na 10,830 square feet at matatagpuan sa Isleboro, isa sa mga tiny island sa Maine coastline.

Taong 1991 binili ng 67-anyos na actor at kanyang namayapang asawang si Kelly Preston ang bahay, kung kailan din sila ikinasal.

Naitampok pa ang bahay sa Architectural Digest noong 2016.

Sumikat si Travolta noong ‘70s sa kanyang role sa ‘Saturday Night Fever’. Dahil dito, na-nominate pa siya bilang best actor sa Academy Award. Bukod dito, na-nominate din siya sa Oscar para sa parehong parangal para naman sa kanyang naging paggganap sa ‘Pulp Fiction’ noong 1995. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.