Una sa Balita

Manolo niluhuran si Kyline

By
0 1,133

Click na click sa daan-daang sunflo­wers na sumugod sa SM Sangangdaan noong Sabado ng hapon ang pagluhod ni Manolo Pedrosa sa harap ni Kyline habang inaalayan niya ito ng isang bouquet of flowers.

Nagulat ang leading lady niya sa upcoming Afternoon Prime series na “Inagaw Na Bituin” dahil isang malaking sorpresa ito para sa kanya dahil naroon siya for a mall show at hindi para sa promo ng nasabing drama series.

Grabe as in grabe ang nakaka­kabinging sigawan lalo na nang niyakap ni Manolo si Kyline at kantiyawan sila sa harap ng stage.

Hindi pa man, may following na kaagad ang KyNolo kaya malaking advantage ito sa show nila.

2 bata nahimatay sa mall show ni Kyline

Yung pa-selfie ng dalawa sa bawat kanto na nakatalikod sa audience ay sob­rang hit na binabalya na ng audience ang barricade para makahulagpos sa harang.

Sa tindi ng impact ng show na ‘yun ni Ky, dalawang bata ang hinamatay at isinugod sa clinic ng mall.

Nang papunta na ang KyNolo sa office ng SM pagkatapos ng show ay na-witness na namin kung paano hatakin ng utaw ang shirt ni Manolo na may nangurot pa sa likod samantalang si Ky naman ay may humatak sa t-shirt niya dahilan upang maalis ang pagkaka-tuck in nito.

Ayon nga sa Symply G celebrity endorser, na-miss daw niya ang ganitong eksena dahil after almost 3 months ay saka muli siyang nagkaroon  ng mall show at muli, pandemonium ang nangyari.

Si Manolo naman ay napabilib sa fandom ni Ky at sabi nga namin sa kanya, madadagdagan ang kasikatan niya dahil maraming beses pa silang magsasama ng kanyang partner sa upco­ming events to promote “Inagaw Na Bituin.”

Korekek!

Kisses ayaw pag-usapan ni Marco

Sa pagbabalik showbiz ni Marco Gallo ay hindi siya sure kung muli niyang babalikan ang nakaraan nila ng unica hija ni Richard Gomez at Lucy Torres. Sa tsikahan nila ni Boy Abunda, inamin ng dating PBB Teen housemate na nagkaroon sila ng special relationship ni Juliana Gomez pero nahinto dahil sa bumalik nga siya sa Italy.

Ipinagmalaki ni Marco ang pagiging mabait nina Goma at Lucy na itinuring daw siyang parang tunay na anak din.

Maayos daw silang mag-usap ni Juliana bago siya bumalik sa Italy kaya wala silang hard feelings para sa isa’t isa.

Maging ‘yung isyu sa kanila ni Kisses Delavin ay matagal na raw na-resolved kaya ayaw na niyang i-highlight pa sa tsikahan. 

Back for good na nga raw siya after rea­lizing na hindi lang mag-waiter ang buhay niya katulad sa Italy kahit nag-part time model pa siya roon.

Na-miss daw niya ang showbiz at ito talaga ang gusto niyang gawin.

In fairness, mas lalong naging hot-looking si Marco nga­yon dahil sa nag-mature na siya at plano niyang magpa-borta na ng katawan, huh!

Yun na!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy