Una sa Balita

Manolo hirap pumili kina Jasmine, Gabbi

0 271

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyUmaming napaga­litan ni Direk Joel Lamangan ang da­ting PBB housemate batch 2014 na ngayo’y Kapuso star na, na si Manolo Pedrosa.

Si Joel Lamangan ang direktor ng “Pamilya Roces” kung saan kabilang si Manolo at unang tele­serye niya sa GMA 7.

Nilinaw ni Manolo na sa blocking lang naman siya napagalitan ni direk Joel at hindi sa kung anuman.

Sa kanilang taping nadiskubre ni Manolo ang mga ayaw ni Direk Lamangan sa kanyang set.

Ayaw raw nito nang hindi preparado sa karak­ter ng kanyang artista. Ibig sabihin, kailangang memorize ng artista nya ang mga linya nito.

Hindi rin nito gusto ang nali-late sa kanyang location at hindi focus sa kung ano ang dapat nitong gawin.
Kaya naman bago pa dumating sa set si Manolo, alam na niya ang kanyang mga linya at ready siya palagi.

Sina Jasmine Curtis-Smith at Gabbi Garcia ang makakapareha ni Manolo sa PR.

Tumangging mamili si Manolo sa kung alin sa dalawa ang gusto niyang maging maka-love team, dahil sa pag-aalalang baka may masagasaan siyang mga supporter ng mga ito.

Para maging safe, sinabi niyang kung sino kina Jasmine at Gabbi ang ibibigay sa kanya ng Kapuso network bukas-palad niya itong tatanggapin.

Sa mga nagtatanong kung bakit huminto sa pag-aartista si Manolo noong nasa Kapamilya network pa siya.

Kuwento nito, nagkaroon siya ng problema sa kanyang lower back dahilan para matakot siya sa kanyang condition, kaya minabuti niyang magpa­hinga muna.

Hindi lang guwapo kundi napakatalino rin ni Manolo. Siya mismo ang naghanap ng lunas sa sakit niya sa pamamagitan ng research at tamang e­xercise, kaya naman gumaling na siya matapos ang dalawang taon.

Nakatulong kay Manolo ang paggi-gym dahil mula sa 250lbs na bigat niya, nasa 170lbs na ito ngayon.

Kailangang i-maintain ni Manolo ang kanyang katawan lalo’t tabain raw siya.

Samantala, pamilya ni Manolo ang may-ari ng Majestic Ham. Pero gusto niyang tumayo sa sarili niyang pagsisikap at magkaroon ng negosyo sa mga darating na taon.

Siyangapala sa Aban­telliling ay tinanggap ni Manolo na kabog siya sa kaguwapuhan ni Abante cutie… “Mahirap tapatan si Abante cutie. Teritoryo niya ito!” pabirong sabi pa ni Manolo.