Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manok galing Australia delikado sa bird flu – Sec Dar

0 249

Nagpatupad ng temporary ban Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng mga poultry product na mula sa Australia dahil sa pagkalat ng avian influenza o bird flu sa nasabing bansa.

Sa memorandum na pinalabas ni DA Secretary William Dar, kabilang sa mga binawal na produkto ang mga domestic at wild bird gayundin ang mga produkto n amula dito tulad ng poultry meat, day old chick, itlog atsemen n amula sa Australia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ugat ang kautusaan sa ulat ng counterpart ng DA sa Australia, na may outbreak ng H7N7 Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa Lethbridge, Victoria kung saan naapektuhan ang mga ibon noong Hulyo 24.

Kasunod nito, inatasan ng DAR ang agarang pagsusupende, ebalwasyon ng mga aplikasyon at paglalabas ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance sa mga nasabing produkto galing sa Australia.

Una nang nagpatupad ng temporary ban ang DA para sa pag-import ng mga poultry meat galing sa Brazil dahil sa mga ulat na na-contaminate ng COVID-19 ang sample ng frozen chicken wings.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.