Una sa Balita

MANOK BAGSAK-PRESYO!

By
0 264

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling normal ang supply ng manok at patuloy ang pagbagsak ng presyo nito sa maraming lugar dahil sa bird flu outbreak na tumama sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Usec. Ted Pascua, nag-ikot ang mga tauhan ng DTI sa mga pamilihan upang bantayan at alamin ang presyo ng mga panindang manok sa Metro Manila.

Sa Nepa Q-Mart, Balintawak sa lungsod ng Quezon, bagsak sa P120 ang kada kilo ng manok mula sa dating P150/kilo.

“Yun dating presyo ng 150 kada kilo ay bumaba ito nasa 135 hanggang 120 na lang po, at sa aming monitor walang problema po sa supply ng manok .At ang presyo in fact may nagsasabi na bumaba,” ani ni Pascua.

Hindi aniya maiwasan ang ganitong krisis dahil maraming tao ang natatakot mag-ulam ng manok dahil sa bird flu.

Nanawagan ang DTI sa publiko kung may reklamo patungkol sa pananamantala ng mga manininda, maaring itawag ito sa kanilang hotline 751-3330 para sa agarang aksyon.

Nangangamba ang ahensya na baka sumirit ang presyo ng karne ng baboy at iba pang bilihin dahil sa pag-iwas ng mga taong kumain ng itlog, manok, bibe at iba pang bird products.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy