Una sa Balita

Manny ‘tutumbungan’ ng anak ko — Floyd, Sr.

0 358

SA kabila ng urong-sulong na mga ulat hinggil sa nilulutong rematch nila Floyd Mayweather, Jr. at Senator Manny Pacquiao, siniguro naman ng ama ng una na matutuloy ang laban ng dalawang sikat na boksingero.

“I’m pretty sure that they gonna fight,” wika ni Floyd, Sr. sa panayam.

Mistulang ang matandang Mayweather na rin ang sumagot sa naging hamon noon ng Pinoy ring icon sa social media na, “if you want to be relevant again #MayPac2.”

“If Pacquiao says he wants to fight, I’m pretty sure they’re gonna fight again,” sundot pa ng ama ni Pretty Boy.

Siniguro pa ni Floyd, Sr. na kahit na fit ngayon ang fighting senator at kahit nadaig nito ang undefeated noong boxer na si Keith Thurman ay kayang-kaya pa ring sipain ni ‘Money’ ang Pambansang Kamao.

(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy