Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manny super bilis – trainer

0 805

BILIB si Mexican-American boxing trainer Roberto Garcia kay eight-division world champion Manny Pacquiao dahil nakita pa rin nito ang bilis at lakas ng ‘Pambansang Kamao’.

Binalaan ni Garcia ang mga nais lumaban kay fighting senator Pacquiao na mag-ingat dahil bukod sa karanasan ay may lakas at bilis pa ang Pinoy pug.

Naglabasan ang balita nakaraan na nais ni American trainer Freddie Roach na makuha ni Pacquiao ang ikasiyam na titulo sa panibagong dibisyon.

Kaya kailangan ni Pacquiao na harapin si Gennady Golovkin na kasalukuyang nagmamay-ari ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) middleweight title.

“His speed man. He’s very fast and does have r­eally good footwork and you know in and out or maybe he would try to exchange and make it into a brawl or try to knock out Triple G, (Golovkin)” ani Garcia. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.