Una sa Balita

Manny kay Keith: nang-aano ka eh!

0 347

ILANG araw na lang ang hihintayin para sa bakbakan nina WBA ‘regular’ welterweight titlehol­der Manny Pacquiao at ‘super’ champion American fighter Keith Thurman sa Linggo (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Iba ito. Na-ano ako . . . ‘yung para bang na-motivate ako because of what he said to me. Gusto ko magkaroon siya ng respeto sa akin pagkatapos ng fight,” wika ni Pacquiao.

Batid ni trainer Buboy Fernandez ang pinag­huhugutan ni Pacquiao dahil sa hindi magandang banat ni Thurman sa kanilang press confe­rence noong Mayo.

“Ipapako daw niya si senator sa krus at saka mawawala na lang daw sa larangan ng boxing kaya mag-senador na lang daw,” kuwento ni Fernandez.

Ibinahagi rin nito na iba ang gigil ni Pacquiao ngayon, na huli niyang nakita noon pang part 3 ng laban nila ni Mexican boxer Erik Morales.

“How many years ko na hindi nakita siya na ganyan. ’’Yung huli pa nu’ng Morales 3 pero mas grabe ito,” sambit pa ni Fernandez.

“Sa ipinakita niyang galit, inis at asar niya, ibang Manny Pacquiao ang nakakausap ko. May halong ibig sabihin ‘yung mga suntok niya.” (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy