Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manny ipit kina Terence, Mikey

0 41

PATULOY ang hulaan kung sino ang makakalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik bugbugan.

Umugong nakaraan na si dating world champion Mikey Garcia ang makakaharap niya sa kanyang susunod na laban.

Biglang umeksena si reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford.

Medyo nalilito at naaatat na rin ang mga panatiko ng fighting senator.

Pero usapan na masusi ang gagawing desisyon ng kampo ni Pacquiao, pinag-aaralan kung sino sa dalawa ang kikita sa takilya.

Napaulat na niluluto na ang bakbakan nina Pacquiao at Crawford na nakatakdang ganapin sa Hunyo 5 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sakaling matutuloy ang Pacquiao-Garcia fight ay sa United Arab Emirates din ito idaraos base sa naunang ulat. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.