Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manny ‘ipakakain’ kay Terence

0 363

PATULOY na umaasa si Top Rank Promotions head Bob Arum na magaganap ang bugbugang Manny Pacquiao at Terence Crawford.

Niluluto pa rin ni Arum ang unification bout nina World Boxing Association (WBA) welterweight champion Pacquiao at World Boxing Organization (WBO) welterweight titlist Crawford sa Nobyembre.

Para kay Arum, tiyak na patok na naman sa takilya ang unification bout nina Pacquaio at Crawford na planong ilarga sa Nov. 14 o 21.

“The Pacquiao fight, obviously we’d like to do it. Whether we can do it, how we can do it, that’s what we’re figuring out now,” hayag ni Arum.

Ginagawa lahat ni Arum para maikasa ang muling paglaban ni Pacquiao at inabisuhan na rin nito ang kampo ni Crawford.

“We told Terence that he’s scheduled to fight in November, whether it’s the 14th or the 21st,” ani Arum. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.