Una sa Balita

Manny Harris, NLEX inimpound ang Dyip

0 390

SINOLO ng NLEX Road Warrriors ang ikalawang puwesto matapos nitong itala ang 117-111 panalo kontra Columbian Dyip sa pagpapatuloy ng kampanya nito sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Sinandigan ng NLEX ang tatlong free throw ni JR Quiñahan, na hindi pa sumasablay sa kabuuang 13 tira sa torneo, para ibalik ang koponan sa 109-106 iskor upang angkinin ang ikalimang panalo sa loob ng anim na laban sa panghuling torneo sa liga.

Isang steal ni Kiefer Ravena kay CJ Perez sa sumunod na yugto ang nagtulak sa nakumpletong 3-point play ng bago nitong import Manny Harris upang itala ang ikalawa lamang na sunod na panalo ng Road Warriors.

Si Harris, na naglaro sa Cleveland, LA Lakers at Dallas Mavericks, ay nagtala ng 41 puntos, 5 rebounds, 4 assists, 3 steals at 2 blocks para sa Road Warriors.

“My biggest worry is somehow gone. He is a gamer, he is a competitor, it is a good sign for us. Manny actually did better than what we expected, in practice, he could not do full practice three times, inireserba namin. He has a lot of upside, once he got used to time zone. We took a big gamble, actually, Olu is doing well for us, he bring us to 4-1 worth the risk the game we took was worth it,” sabi ni NLEX head coach Yeng Guiao tungkol sa kanyang import na si Harris.

Unang itinabla ni Khapri Alston ang labanan sa 104-all sa pagtuntong ng huling dalawang minuto upang paigtingin ang labanan matapos na maghabol sa pinakamataas na 17 minuto.

Huli pa nitong itinabla ni Alston ang laro sa 106-all bago na lamang kumawala ang Road Warriors.

Unang nagawa pang lumapit ng Dyip sa limang puntos na lamang mula sa lay-up ni Keith Agovida sa 6:42 minuto sa ikaapat na yugto sa pagdikit sa 91-96. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy