Una sa Balita

‘Manny-Floyd 2’ lalong lumabo

0 396

APAT na taon makalipas ang salpukan nnla Floyd Mayweather Jr. at Senator Manny Pacquiao, naglalaway pa rin ang boxing fans sa buong mundo sa rematch ng dalawang legendary boxers.

Sa nagdaang apat na taon, may mga pagkakataong tila matutuloy na ang inaabangang ‘Floyd-Manny Part 2’, pero bigla na namang tatamlay ang usapan kaugnay rito.

Tanong ng marami, may tsansa pa ba ang rematch ng dalawa?

Tingin ko, may tsansa pa rin. Gayunman, hindi sa malapit na hinaharap.

Bakit kamo?

Sa panig ni Floyd, tila ineenjoy na nito ang kanyang retirement at nakapokus sa paglilibot sa iba’t ibang lugar at ang pag-aasikaso sa kanyang mga negosyo.

May mga hawak din itong boksingero na kanyang ipino-promote.

Ang ‘Pambansang Kamao’ nating si Pacquiao, busy sa kanyang trabaho sa Senado at sa kanyang pamilya.

Idagdag pa ang pag-aasikaso rin sa kanyang lumalagong liga na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Isa pang pinagkakaabalahan ni Pacquiao ang pagiging artista niya.

Nakatakdang bumida si Pacquiao sa war-hero film na ‘Malvar’ at ang Hollywood movie na ‘Freedom Fighters’ kung saan ay mahalaga rin umano ang magiging papel niya.

Kilala natin ang senador na maraming pinagkakaabalahan – boksing, basketball, Senado, pamilya, showbiz at charity works.

Matuloy man o hindi ang rematch nila ni Floyd, tiyak marami pa ring mapapasayang fans si Pacquiao, sa ibang larangan nga lamang.

Anuman maging desisyon mo Senator Manny kaugnay sa rematch ninyo ni Floyd, suportado ka ng buong Pilipinas!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy