Una sa Balita

Manny dedma kay Floyd

0 357

Mukhang mapupurnada ang hamong rematch ni World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight titlist Manny ‘The Pacman’ Pacquiao kay undefeated champion Floyd Mayweather­ Jr.

Imbes kasi na lumakas ang ‘apoy’ sa muli nilang bakbakan ay tila nabuhusan pa ito ng malamig na tubig dahil mas pinili ng Amerikanong boksingero ang makipag-rematch kay Conor McGregor.

Takot ba siya kay Manny? O talagang feel niya lang isnabin ang Pambansang Kamao?

Matapos ang 40-second knockout win ni McGregor kamakalawa kontra Donald Cerrone sa UFC 246 ay agad nagparamdam ng rematch si Mayweather sa kanyang Instagram story.

“MAYWEATHER VS MCGREGOR 2 2020,” sabi ni Floyd.

“I’d like to rematch Floyd, I think we should rematch Floyd,” sagot naman ni McGregor sa pahayag ni Mayweather.

Kung ganun, sino na ang makakalaban ni Pacquiao?

Tingin ko, matutuloy pa rin ang rematch nila Manny at Floyd ngayong 2020, kung kelan, ‘di pa natin masabi.

Ito ang magsisilbing magandang panapos sa makulay na boxing career ni Pacquiao lalo na kung makakaresbak siya kay Floyd.

Sa ngayon, hinay-hinay lang muna senator, haya­an muna natin sila magrambulan sa ibabaw ng ring.

Darating ang oras mo kay Floyd, o maging kay Conor!
***
Belated happy 41st birthday kahapon, January 20, kay Paul Pabroques ng Lalaan 1st, Silang, Cavite.

Pagbati mula sa kanyang butihing asawa at anak na sina Lina at Pauline.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More