Una sa Balita

Manny bibili ng team sa NBA

0 380

TAPOS dispatsahin ni 8-time world boxing champ Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao si ‘One Time’ Keith Fitzgerald Thurman Jr. ng Estados Unidos nitong Sabado nang gabi (Linggo nng umaga sa Maynila) sa MGM Grand Garden Las Vegas, Nevada , naiisip ng senador na bumili ng isang team sa National Basketball Association bago magretiro bilang isang professional boxer.

Naging malaking tulong para sa 40-anyos na Pinoy ring icon ang pagkakaroon ng semi-pro league na Maharlika Pilipinas Basketball League. Kaya kumpiyansa siya na kaya rin niyang mamuno bilang isang team owner sa nasabing pro cage league sa United States.

At sa tantiya ng Forbes magazine, may sapat namang pera ang senador dahil may ng kinita na itong higit US$500M sa kanyang karera sa boxing at merong net worth na $200 million. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy