Una sa Balita

MANILYN, MAINGAY SA SOCIAL MEDIA!

By
0 9

Parang expected na nag-renew muli ng kanyang network contract si Manilyn Reynes sa GMA-7.  Kung titingnan naman, parang all her showbiz career has always been a Kapuso.

Simula pa nang mag-start siya hanggang sa That’s Entertainment at sa mga serye na nagawa niya. Nag-signed up nga siyang muli ng kontrata sa network so she will remain to be a Kapuso.

Present sa naturang contract signing ang mga bosses ng GMA including Ms. Lilybet Rasonable.

Ayon kay Manilyn, “Kasi po ang Kapuso, talagang may puso ika nga. Hindi lamang sa kung ano pa man ang tinitingnan ng tao, it’s because it’s true.

Kaya nga po, nabigyan ako ng pagkakataon ulit na maging Kapuso, kaya sabi ko, magta-trabaho ako ng buong pagmamahal at buong puso dahil ako ay certified Kapuso.”

Bukod sa Pepito Manaloto, marami rin ang naaaliw at sumusubaybay kay Manilyn sa primetime series na Meant To Be bilang si Amelia.  At inamin nga niyang nag-eenjoy siyang talaga sa naturang serye.

Kahit nga kasi sa social media, nag-iingay rin siya dahil sa mga post ng viewers ng MTB.

Sey niya, “Nakakatuwa talaga yung support at love na ipinapakita ng ating manonood.

Nakakaaliw sila pati na rin yung mga tweets at messages na ipinapadala nila. We are so happy dahil hindi lang pampakilig ang ginagawa natin gabi-gabi, kundi may lesson din tayo na naibaba­hagi tungkol sa pagmamahalan at tungkol sa family.”

Sinag-Benjie, happy-ending kaya?

Sosyal naman ang mga fans, huh! Sumangguni ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang dalawa para sa mga problema sa pag-ibig na napanood sa exclusive vi­deo ng Destined To Be Yours official website!

Tagos sa puso ang mga advice ng mga ito at maraming natutunan ang fans sa kanilang mga payo. Pero sa mga karakter nilang sina Sinag (Maine) at Benjie (Alden), may maipapayo kaya sila?

Sa huling linggo ng Destined To Be Yours, kaninong ending kaya ang magiging happy?

Magkasundo pa kaya ang dalawang pamilya Obispo at pamilya Rosales? ‘Wag bumitiw at sabay-sabay tayong umasa sa happy ending nina Sinag at Benjie! (JOE BARRAMEDA)