Una sa Balita

Manila Water umaapaw ang tulong sa mga bakwit

0 290

WALANG tigil ang pagrarasyon ng Manila Water sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Mula noong Enero 13, patuloy sa pagkakaloob ng tulong ang kompanya sa mga evacuee na nangangailangan ng tubig.

Katuwang ang operating unit na Laguna Water at South Luzon Water, sinuyod ng kanilang water tanker ang mga eva­cuation center sa Tanauan City, Sto. Tomas, San Luis at Taal, Batangas. Nagdala rin sila ng tubig sa mga nangangailangan sa Alfonso, Cavite.

Nakarating din ang mga water tanker sa mga evacuation center sa Lipa, Calaca, Bauan, Alitagtag at Nasugbu sa Batangas pati na sa Sta. Rosa at Calamba, Laguna at sa Tagaytay City.

Nagpadala rin ng inuming tubig ang Manila Water Foundation sa maraming evacuation center sa Bauan, Batangas.

Nangako rin ang kompanya na patuloy na magpapadala ng tubig sa mga nangangailangan hanggang sa hindi pa bumabalik ang normal na sitwasyon sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More