Una sa Balita

Manila Water natugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

0 539

Sa kabila ng patuloy na hinaharap na hamon sa pagkukunan ng suplay ng tubig, patuloy pa ring napupunan ng Manila Water ang kakulangang ito at naibaba na ito sa hanggang 43 million liters per day (MLD) mula sa pinakamataas na 150 MLD nitong nakaraang Marso. Nakamit din ito sa kabila ng patuloy na tumataas na pangangailangan sa tubig dahil na rin sa mainit at maalinsangan na panahon nitong mga nagdaang linggo.

Inihayag ni Manila Water group head for Corporate Strategic Affairs, Jeric T. Sevilla na naging posible ito dahil sa magandang suplay na nakukuha mula sa mga karagdagang pagkukunan ng tubig bukod sa suplay mula sa Angat Dam.

Umaabot sa hanggang 150 MLD ang naging kakulangan sa suplay ng tubig sa East Zone, at lumalaki pa ito tuwing tag-init. Lubos itong naram­daman ng mga customer ng Manila Water noong nakaraang Marso nang nagkaroon ng malawakang pagkaantala ng serbisyo sa tubig dahil sa ‘operational adjustment’ nang bumaba ang La Mesa Dam sa kritikal na lebel.

Hanggang Mayo 17, malaki pa rin ang ha­mon sa suplay ng tubig para sa East Zone habang ang lebel ng La Mesa Dam ay nasa 68.48 metro, may 10 metro ang kulang sa normal na lebel na 78-79 metro, habang ang Angat Dam ay nasa lebel na 173.48 metro, higit na mababa kaysa sa ‘minimum operating level’ na 180 metro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy