Una sa Balita

Manila Water exec nag-resign

0 304

NAGBITIW na ang chief operating officer ng Manila Water Company Inc. na si Geodino V. Carpio kahapon matapos manungkulan sa kompanya ng 22 taon.

Inanunsiyo ng Manila Water na tinanggap na ng kompanya ang resignation ni Carpio sa isang disclosure sa Philippine Stock Exchange kahapon. Hahalili sa kanya bilang acting COO si Abelardo Basilio na siya ring group director for strategic asset management at data protection officer ng kompanya.

Halos 22 taon na rin nagtatrabaho sa MWC si Basilio.

Inulan ng reklamo kamakailan ang Manila Water nang nawalan ng tubig ang mga kostumer nito ng maraming araw sa east service zone ng Metropolitan Water and Se­werage System (MWSS).

Isinumite na ng regulatory office ng MWSS ang rekomendasyon nito sa MWSS board para sa maaring gawing kaparusahan sa Manila Water.

Ayon sa concession agreement ng MWSS sa Manila Water at Maynilad Water Services Inc., maaring pagmultahin ang dalawa pag hindi nila natupad ang 24/7 na water services sa loob ng 15 araw.

Kumita ng P6.6 bil­yon na net income ang Manila Water nu’ng 2018, mas mataas ng 8% kaysa sa P6.1 bilyong net income nito nu’ng 2017. Ayon sa annual report nito, P1.98 bilyon ang inilaan ng kompanya para sa income tax, mas mataas ng 2% kaysa sa P1.94 na buwis na ibinayad nito nu’ng 2017. (Eileen Mencias/Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy