Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manila vice mayor nabakunahan na kontra virus

0 116

Kabilang si Manila City Vice Mayor Maria Sheilah Lacuna-Pangan sa mga unang nabakunahan kontra COVID-19, sa nasabing lingsod.

Kasama niya rin na naturukan ng bakuna ng Sinovac sina Acting City Health Officer Arnold ‘Poks’ Pangan, at mga opisyal ng iba’t ibang ospital sa Maynila.

Hinikayat ng bise alkalde, na isa ring doktor, ang publiko na magpabakuna para magkaroon rin ng proteksyon laban sa virus.

SM food to go Banner Ad

Si Mayor Isko Moreno naman, ay maghihintay pa umano ng susunod na bakuna dahil kailangang unahin sa ngayon ang mga frontliner.

Nabatid na may 3,000 Sinovac vaccine ang binigay sa Maynila at inilaan sa mga frontliner. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.