Una sa Balita

Manila Times managing editor nag-resign sa ‘oust Duterte’ plot

0 478

NAGBITIW ang managing editor ng Manila Times na si Felipe Salvosa II matapos niyang kontrahin ang nalathalang artikulo sa “Matrix” na sinulat mismo ng may-ari ng Manila Times na si Dante Ang kaugnay sa mga taong umano’y nagsasabwatan para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinumite ni Salvosa ang kanyang resignation letter dahil ikinagalit umano ng may-ari at chairman emeritus ng Manila Times na si Ang ang kanyang tweet na kumukwestyon sa nasabing artikulo na idinadawit ang Philippine Center for Investigative Journalism, Vera Files, Rappler at National Union of People’s Lawyers sa planong pagpapatalsik sa Pangulo.

Ilang oras matapos na lumabas sa publiko ang kopya ng nasabing pahayagan, nag-post sa Twitter account si Salvosa na naghahayag ng kanyang pagkontra sa artikulo.

Hindi umano ito nagustuhan ni Ang kung kaya’t sinabihan niya si Salvosa na umalis na sa kanyang puwesto.

Gayunman, sa halip na bumaba sa kanyang puwesto ay nagbitiw si Salvosa sa kanyang trabaho bilang ma­naging editor.

“I didn’t agree with the publication of the matrix story,” ani Salvosa.
Nagbigay naman ng pahayag ang Manila Times sa isyu ng pag-alis ni Salvosa.

First, Mr. Salvosa did not resign; he was asked to do so. He was quoted as such in some reports, but the other publications have twisted that fact to smear the reputation of his former employer. He behaved unethically when he posted a statement on social media without first notifying or clarifying with our Chairman Emeritus, Dr. Dante A. Ang, the issues that he had with the story “Oust-Duterte plot bared,” written by the owner himself.” ayon sa statement.

Anila, hindi kumontra si Salvosa sa istorya ng Chairman Emeritus at hindi rin siya nagbigay ng suhestyon kung may babaguhin.

Nanindigan din ang Manila Times sa katotohanan ng kanilang istorya dahil naipaliwanag din ito kay Salvosa na nanggaling sa Office of the President ang source ng artikulo. Nagsagawa rin umano ng background check si Ang bago ito ipina-edit. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy