Una sa Balita

Manila North Cemetery lungga ng mga flying voter

0 370

PUGAD umano ng mga flying voters ang Manila North cemetery (MNC).

Ito ang ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno makaraang makatanggap ng ulat na ginagawang kanlungan ng flying voters ang MNC.

Nakasaad sa report na libu-libong residente na nagtayo ng barung-barong sa ­sementeryo ay hindi taga-Maynila pero nakapagparehistro kasapakat ang mga ­tiwaling opisyal ng lungsod at mga barangay chairman.

Nagagamit umano ang mga flying voter sa panahon ng lokal at barangay ­elections, kapalit ng salapi.

Pinaiimbestigahan na ni Moreno ang report upang maberipika ang katotohanan sa likod nito.

Una nang ipinag-utos ni Moreno ang clearing operations sa MNC dahil sa mga reklamo na binababoy ng mga naninirahan doon ang mga puntod ng mga yumao.

Kasabay nito ay kinwestiyon ng alkalde kung saan kumukuha ng kuryente at ­tubig ang mga naninirahan sa sementeryo. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy