Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manila Bay ‘white sand’ takaw COVID

0 286

Pinuna ng ilang netizen kung dapat bang tawagin na isang “mass suicide” o “massacre” ang pagdagsa ng mga mamamayan sa Manila Bay ‘white sands’ kahapon ng umaga sa Baywalk, Roxas Boulevard sa Maynila sa harap ng COVID19 pandemic.

Wala umano kasing naipatupad na social distancing at kapuna- puna rin na marami ang mga senior citizen at ang ilan netizen ay may kasama pang mga bata.

Nagpahayag ng pagkaalarma ang ilang netizen na mabalewala ang pagsusumikap ng Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs) na mapababa ang COVID19 dahil sa pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay para makita at maapakan ang dolomite white sand.

Wala rin nagawa ang Manila Police District (MPD) sa panumuno ni Police Brigadier Gen Rolando Miranda para maiwasan ang pagdidikit- dikit ng mga nakapilang mga usyusero. Sa halip nakitang may picture si Miranda may back ground nang maraming tao.

Gayundin ay walang nagawa ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) marshall para maipatupad ang social distancing sa mga nagpuntang mamamayan.

SM food to go Banner Ad

Maging si Comelec spokesperson James Jimenez ay nakunsumi sa kumpulan ng tao sa Manila Bay.

Sa tweet ni Jimenez, nagpatama ito sa mga nais mag-postpone ng voters registration dahil sa mass gathering, ngunit lumusot ang pagdagsa ng tao sa Manila Bay.

Maging si Vice President Leni Robredo ay nabahala sa dami ng mga tao na nagtutungo sa tinaguriang “white sands” sa Manila Bay.

Ayon sa pangalawang pangulo, bagaman natutuwa siya na marami ang nag-aapreciate sa pagbabago sa Manila Bay, nababahala naman siya sa dikit-dikit na mga tao na nagtutungo dito.

Sa kanyang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na natakot siya para sa mga nagtungo sa “white sands.” (Juliet de Loza-Cudia /Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.