Una sa Balita

Manila Bay silat kay Noble Run

0 308

NASILAT ang pinapaborang si Manila Bay matapos talunin ni Noble Run sa Group Race categories 9-10 nitong Biyernes nang gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sakay si aprrentice rider EA Abres, pumuwesto muna si Noble Run sa pa­ngatlo, may anim na kabayong agwat sa nagbabanatan sa unahan na Manila Bay at Faith Into Action.

Pagsapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan si Manila Bay habang nasa tersero puwesto pa rin ang winning horse.

Nakaungos si Manila Bay kay Faith Into Action sa huling likuan pero bahag­yang bumuka ang dalawa kaya swak sa balya si Noble Run.

Nagkapanabayan sa rektahan ang tatlong kabayo pero sa huling 100 metro ng karera ay nakalamang na si Noble Run.

Tinawid ni Noble Run ang meta ng may apat na kabayo ang distansiya sa nasegundong si Sizzling Hot, tersero si Manila Bay habang pang-apat si Faith Into Action.

Nirehistro ni Noble Run ang 1:12.8 tiyempo sa 1,200 meter race.
Samantala, tigil karera muna ngayon hanggang April 14, 2020 para makaiwas sa coronavirus. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More