Una sa Balita

Manila Bay reclamation barado kay Isko

0 825

HINDI umano prayori­dad ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang reklamasyon ng Manila Bay area na nasa hurisdiksyon ng Lungsod ng Maynila.

Sa halip, sinabi ni Moreno na mas gusto niya na magpokus sa land development.

“Reclamation is not my priority. We will focus on in land development. Meron na kami diyan, payaya­bungin na lang,” ayon kay Moreno.

“One thing is for sure, while we are making Manila vibrant, may oras din for peace and order. We will respect human rights on both sides, enforcers and suspects. It goes for eve­rybody. May pagpapahalaga sa buhay,” dagdag pa ni Moreno.

Ayon kay Moreno, mas gusto niya na pagtuunan muna ng pansin ang peace and order .

Magugunita na noong bumisita siya kay dating Manila Mayor Alfredo Lim ay humingi siya ng payo kung papaano mapa­panatili ang peace and order sa Maynila.

Nalaman na sa administrasyon ni outgoing Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ay isinusulong nito ang multi-billion reclamation area sa Manila Bay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy