Una sa Balita

Manhunt ikinasa vs suspek na pumatay sa buntis, pamangkin

By
0 759

Inilunsad na ng Mandaluyong Police ang ng manhunt ope­ration laban sa suspek na pumatay ng isang buntis at menor-de-edad na naganap, Martes ng gabi.

Ayon kay Mandaluyong chief of police, S/Supt. Moises Villa­ceran, base sa salaysay ng isang hindi pinangalanang saksi, nakatanggap siya ng tawag mula sa suspek bandang alas-11:30 Martes ng gabi na kung saan ay umaamin ang suspek na si Benjamin Pardenez Jr. y Aguilar, taxi driver at residente ng Dalia St. Brgy. Magdiwang, Bacoor Cavite.

Sinabi diumano ni Pardenez na siya ang pumatay sa kanyang live-in partner at pamangking babae at iniwan sa loob ng kanilang bahay sa Unit 205 Ridgeway Residences, Dansalan Street., Brgy. Barangka Ilaya Mandaluyong City.

Nakilala ang mga biktima na sina Ma. Rosula Paunil y Cana, 40-anyos at isang grade 4 student na iniwang nakabulagta at naliligo sa sariling dugo matapos pagsasaksakin ng suspek.

Batay sa report, agad na nagtungo sa lugar ng insidente ang pulisya makaraang makatanggap ng tawag mula sa isang saksi at doon na nakita ng pulisya na pina­ngunahan ni SPO3 Renante Guillergan ang duguang katawan ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, isa pang saksi ang lumutang na si Ricky Urbina y Rubrico, 44-anyos, security guard ng condo unit at sinabing nakita niyang umalis ang suspek bandang alas-6:15 Martes ng gabi.