Una sa Balita

Manhid na PIO chief kapit-tuko sa puwesto

0 844

MAY pagka-manhid din naman ang paki­ramdam nitong hepe ng Public Information Office (PIO) mula sa isang city hall sa Metro Manila.

Palamuti na lang siya sa kanyang opisina at hindi na pinagkaka­tiwalaan ng pamangkin ni yorme, hindi pa rin ito umaalis sa puwesto.

Nagsimula daw magalit at mawalan ng tiwala ang secretary to the mayor nang magsumbong ang grupo ng mga reporter­s na ‘binabambo’ daw nitong si PIO chief ang pang-load kapag nagpapatawag si mayor ng presscon.

Sa buwisit nitong pamangkin ni yorme, hindi na siya binigyan pa ng pondo at ang masakit pa, hindi na rin ipinapaalam pa sa kanya ang schedule ng mga press conference sa city hall.

Resulta, komuko­lekta na lang ng buwanang suweldo si PIO chief at hindi na rin siya pinagagawa ng press release.
Maging ang kanyang mga tauhan sa opisina ay buwisit na rin sa kanya at kulang na lang na sabihin na lumayas na ito sa PIO dahil wala na siyang ginagawa.

Namimili din daw si PIO chief ng mga media na kakausapin. Kapag mga TV reporte­r ang kanyang kausap halos kita na ang kanyang gilagid sa pag­ngiti, pero kapag print media ang kausap nito mapait pa sa ampalaya ang kanyang smile.

Clue: Hindi po ka­yo maliligaw at mahihirapan sa pagtukoy sa kanya dahil angkop na angkop po ang let­rang “N” sa kanyang pangalan as in ‘Nambabambo.’