Una sa Balita

Mangyan napagtapos na guro ni Kara David

0 524

GANAP nang isang guro at nakahanda nang maging gabay ng mga batang Mangyan sa Mindoro ang isang bagong graduate na produkto ng Project Malasakit ng Multi-awarded Filipino broadcast journalist na si Kara David.

Nabatid na si Patrick Reyes mula sa tribong Buhid ng Brgy. Batangan, Bongabong, Mindoro Oriental ay nakapagtapos na sa kursong Education at nakapasa na rin sa Licensure Examinations for Teachers (LET).

Si Reyes ay nakilala ni David noong nagsu-shooting ng isang documentary film at dahil sa kagustuhan nitong makatapos ng pag-aaral para makatulong sa kanyang mga kababayan ay tinulungan siyang pag-aralin hanggang sa makatapos.

Kinakitaan ni David ng potensiyal si Reyes dahil sa kabila ng kanyang kahirapan ay pinilit nitong makarating sa kanyang paaralan at matuto para makatapos.

Ayon kay Reyes, nais niya na mas marami pa sa kanilang tribu ang maging ka­tulad niya na makatapos rin ng pag-aaral para gumanda ang kanilang buhay at makatulong sa kapwa niya Mangyan na makapag-aral.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy