Una sa Balita

Mangumpisal imbes magpapako sa krus

0 270

CBCP sa mga deboto:

MULING iginiit kahapon ng Simbahang Katolika na mali at hindi nila kailanman hinikayat ang mga deboto na magpapako sa krus o paglatigo sa likod tuwing Semana Santa, partikular sa Biyernes Santo.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, mali ang pananaw ng ilan na makakamit nila ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan kung magpapapako sila sa krus at sasaktan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paghampas o paglatigo sa kanilang likod.

Batay sa turo ng Simbahang Katolika, ang nagnanais na mapatawad sa mga kasalanan ay dapat mangumpisal imbes na magpapako sa krus o saktan ang sarili.

Ito ang reaksyon ng Simbahan sa taon-taong pagdagsa ng mga deboto sa Brgy. Cutud sa Pampanga para saksihan ang pagpapapako sa krus ng ilang mga deboto tuwing Biyernes Santo.

Hindi rin kumbinsido si Secillano sa naging kaugalian ng mga deboto na saktan ang sarili sa pamamagitan ng paghahampas sa likod ng matatalas na bagay.

Aniya, delikado pa ito sa kalusugan dahil maaari itong magdulot ng impeksyon. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy