Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mangrobang sapol 4th gold sa SEAG

0 53

ITINALA ni Marion Kim Mangrobang ang kanyang ikatlong sunod na gintong medalya at kabuuang ikaapat matapos maipagtanggol ang korona sa women’s triathlon sa 31st Southeast Asian Games sa Tuan Chau, Quang Ninh Bay sa Ha Long, Vietnam.

Nag-iisang tinawid ng 30-anyos na si Mangrobang para kumpletuhin ang sinunod na Olympic triathlon distance na 1.5km swim, 40km bike at 10km run upang itala ang kasaysayan nito na pagwawagi sa ikaapat na sunod na gintong medalya sa individual event.

Itinala ni Mangrobang ang oras na 2:13.310 para sa ginto habang ikalawa si Prasetyo Inge ng Indonesia (2:16.310) para sa pilak at si Alcoseba na may 2:18.300 para sa tanso.

Ang ginto ay ikaapat naman sa kabuuan ni Mangrobang matapos na unang magwagi noong 2017 sa Putrajaya sa Kuala Lumpur, Malaysia na sinundan noong 2019 sa Subic Bay sa Pilipinas na kung saan kabilang din ito sa nagkampeon na koponan sa Mixed Relay.

Related Posts

Mayroon din itong isang pilak na medalya na naiuwi nito noong 2015 SEA Games sa Singapore kung saan ang nagwagi ng gintong medalya ay ang kakampi nito na si Claire Adorna.

Sa kabuuan ay nakapawagi ang Pilipinas ng kabuuang dalawang ginto, isang pilak at isang tanso sa triathlon event matapos na magwagi naman sina Fernando Jose Casares at Andrew Kim Remolino sa men’s division.

Itinala ni Fernando Jose Casares ang 1:56.570 habang kasunod si Remolino na may 1:59.160 oras. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.