Una sa Balita

Mangrobang kakatok sa Olympics

0 310

TAPOS na ang misyon ni Marion Kim Mangrobang sa 30th SEA Games matapos kumana ng dalawang gold medal sa triathlon event.

Pokus na siya sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa 28-anyos na atleta, magbabakasyon muna siya bago tumungo sa Portugal para sa kanyang training kasama ang kanyang Portuguese coach.

“Nagta-try kami mag-qualify ng coach ko sa Olympics, ‘yung results sa Ma
y pa malalaman, pagkatapos nito (SEAG) magbabaksyon muna ako and then babalik na ako sa Portugal,” kuwento ni Mangrobang, nakatira sa Santa Rosa City.

Inamin ni Mangrobang, 113th sa ITU World ranking, na hindi madali ang kanilang tatahakin upang makakuha ng ticket sa Olympics.

“Hindi madali ang mag-qualify depende na rin kasi sa makakalaban ko, kailangan kong sumali nang sumali para umakyat ang points ko,” aniya.
Sa Pebrero magsisimula si Mangrobang na sumalang sa World Cup circuit, kasalukuyang nasa 14th sa continental ranking si Mangrobang.

Nasilo ni Mangrobang ang gold medal sa women’s triathlon matapos irehistro ang dalawang oras at dalawang minuto pagkatapos ay kumubra rin ng ginto sa triathlon mixed relay event. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More