Una sa Balita

Mangingisdang Pinoy ‘di hina-harass sa WPS

By
0 473

WALA umanong nagaganap na harassment sa mga mangingisdang Pilipino na nangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa harap ng mahigit 300 abogado na dumalo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Northern Luzon Chapter convention sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan.

Sinabi ni Panelo naging ma­ayos na ang kalagayan at pagtrato sa mga mangingisda matapos ang pakikipag-usap ng Pilipinas sa China para maiwasan ang anumang hidwaan.

Ayon kay Panelo, sa kabila na panalo ang Pilipinas sa arbitral case, maging ang United Nations ay hindi naman umano gumagalaw para maipatupad ito.

Ito rin ang dahilan kung kaya’t minabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte na daanin ito sa diplomatikong paraan nang hindi lumala ang sitwasyon.

Matatandaan na sinabi ni ­Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa administrasyon na dapat igiit ang naipanalong arbitral ruling hinggil sa pag-aangkin sa mga pinagtatalunang teritoryo sa nasabing karagatan.

Sinabi pa ni Carpio, marami raw paraan para ipatupad ang arbitral ruling nang hindi nauuwi sa giyera pero sana raw ay gumawa ng diplomatic measure ang administrasyon at ­magprotesta.

Ayon pa kay Carpio, kung magpakita raw ng senyales ng reclamation ang China sa Scarborough Shoal, dapat ay maghain ng kaso ang Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More