Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mangingisda timbog sa imprenta ng bakuna card

0 152

ARESTADO sa isang entrapment operation ang isang angingisda dahil sa pag-iimprenta ng COVID-19 vaccination card gamit ang tanggapan ng municipal health sa Rosario, Cavite, gabi ng Huwebes.

Kasong falsification of Public Documents at paglabag sa RA 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) ang kinakaharap ng suspek na si Roy Marquez y Pelagio, 48, may-asawa, ng Brgy Wawa 1, Rosario, Cavite dahil sa reklamo ni Dr. Noriel Emelo y Capongol, 45, Municipal Health Director ng Rosario, Cavite.

Sa reklamo ng Rural Health Unit ng Rosario kay Corporal Ricardo Mendoza, ng Rosario Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay nag-iimprenta ng COVID bakuna gamit ang Municipal Health Office.

Bunsod nito, alas-9:45 kamakalawa ng gabi nang isagawa ang entrapment ng Rosario MPS sa Brgy Wawa 1, Rosario, Cavite na ikinaaresto ng suspek at narekober sa kanya ang P200 marked money, 2 short bond paper na may logo at nakaimprentang COVID 19 vaccination card at 2 pirasong name stamp. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.