Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mangingisda sadsad sa sirit presyo ng gasolina

0 436

Patuloy ang pagsadsad ng kita ng mga mangingisda dahil sa pagsirit ng presyo ng gasolina at diesel, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Nasa P180 umano ang nawala sa kita ng mga manginigsdang pumapalaot dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng gasolina nitong nakaraang dalawang buwan.

“Sa loob ng isang linggo, P480 o katumbas ng P120 kada araw na lamang ang kinikita ng isang maliit na mangingisda dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Abot-langit ang pagsirit ng gastos namin sa produksyon habang ang kita ay patuloy ang pagdausdos,” sabi ni Pamalakaya national chairperson Fernando Hicap.

Binatikos din ng Pamalakaya si Pangulong Rodrigo Duterte dahil inutil diumano ito pagdating sa pagkukumbinsi sa mga oil company na ibaba ang presyo ng langis sa kabila ng malawakang panawagang ibaba ang presyo nito o isailalim ito sa price control para mapangalagaan ang interes ng mga tao.

Sinuportahan din ng Pamalakaya ang pagpapasa sa batas ng Petron Re-Nationalization Act at ng Downstream Oil Industry Regulation Act na isinulong ng Makabayan bloc sa Kongreso. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.