Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mangingisda pinaslang, 2 pulis pinasisibak

0 22

Nirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) ang pagsibak sa dalawang pulis na tumodas sa isang mangingisda sa Agusan Del Norte noong Hulyo.

Sinabi ni IAS chief Inspector General Alfegar Triambulo na ang rekomendasyon ay ibinigay na sa Directorate for Personnel and Records Management.

Ang IAS probe ay ipinakita na sina Police Senior Master Sergeant Rizyl Torricer at Patrolman Ariel Jay Panes ang talagang pumatay sa biktima na pinangalanang Ikiel Kintanar.

Binaril ng dalawa ang biktima sa baybaying dagat ng Cabadbaran City sa kasagsagan ng kanilang seaborne patrol noong Hulyo 10.

Pinatitigil kasi ng mga pulis ang biktima pero imbes tumigil ay tumakas ito.

Sa habulan, nagpaputok ang mga pulis pero imbes na warning shot ay nakadirekta ito sa ma­ngingisda.

Kasong murder ang kahaharapin ng dalawang pulis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.