Una sa Balita

Mangingisda nawawala sa Quezon province

By
0 220

HINDI pa rin nakikita ang isang mangingisda na nawala matapos na lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Perez sa Quezon province paharap sa Pacific Ocean kamakalawa nang umaga.

Kinilala ni Sr. Supt. Osmundo de Guzman, director ng Quezon police, ang nawawalang mangi­ngisda na si Bernie Empeno y Diamante.

Mapalad namang nakaligtas ang dalawang kasama nito matapos na ilang oras na magpalutang-lutang at mapadpad pabalik sa dalampasigan.

Batay sa report ng Perez police, Martes nang madaling-araw nang pumalaot ang maliit na bangka na sinasakyan ng biktima at ng dalawa pa na sina Joey Leynes at Jerick Aumentado, mula sa Brgy. Villamanzano upang mangisda sa kabila ng paparating na bagyong Rosita.

Ayon sa dalawang nakaligtas, akong alas-9:15 nang umaga nang lumubog ang kanilang bangka matapos na hagupitin ito ng malalaking alon dahil sa masamang panahon.

Napahiwalay umano sa kanila ang biktima habang sila ay patuloy na tinatangay ng mga alon hanggang sa sumadsad sa dalampasigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy