Una sa Balita

Mangingisda nagutay sa dinamita

0 306

PATAY ang isang 53-anyos na mangingisda matapos na aksidenteng masabugan ng dinamita na kanyang sinindihan habang nagingisda sa karagatan ng Patnanungan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Mareno Dellosa.

Batay sa report, nangyari ang insidente alas-10:00 nang umaga habang nangingisda ang biktima gamit ang homemade na dinamita na tinatawag na bigas-bigas.

Hindi na umano nagawang ihagis ng biktima ang sisidlang bote at kaagad na itong sumabog. Hindi na rin ito naisugod sa ospital at nasawi kaagad dahil sa matinding pinsalang inabot nito dahil sa pagsabog. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy