Una sa Balita

Mangingisda na nagbenta ng P21M cocaine kalaboso

By
0 1,919

ARESTADO ang isang mangingisda sa buy-bust operation habang nasa aktong ibinebenta ang kanyang natagpuang cocaine sa karagatan ng Quezon kahapon ng hapon.

Ayon kay S/Supt Osmundo de Guzman-director ng Quezon PNP, naaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) police at Infanta police ang suspek na si Aldrin Taharan sa Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon dakong alas-dos nang hapon.

Nakumpiska dito ang apat na pakete ng hinihinalang cocaine na may timbang na apat na kilo at nagkakahalaga ng nasa P21 milyon pesos.

Ayon sa mga pulis, ang droga ay posibleng bahagi ng mga cocaine na nakalagay sa isang plastic gallon at naunang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan ng Lamon bay area noong nakaaraang buwan.

Subalit sa halip na isurender sa mga awtoridad ibenebenta ito ng suspek ng tingi-tingi sa halagang P1.2 million pesos per kilo.

Sinasabi din umano nito sa mga kostumer niya na eendorso siya sa iba pang mga kostumer lalo na sa mga dayuhan.
Nakakulong na ngayon ang suspek samantalang dinala na ang cocaine sa Police Regional Office sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna para sa karagdagan pang pagsusuri.