Una sa Balita

Mangingisda, magsasaka tutulungan din ng gobyerno

0 272

Makakatanggap din ng tulong mula sa gobyerno ang mga magsasaka at mangingisda sa harap ng dinaranas na pagsubok ng bansa mula sa epekto ng coronavirus 2019.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng ipinangakong tulong sa mga informal worker na nawalan ng pagkakitaan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes nang gabi, sinabi ng Pangulo na hindi kinakalimutan ng gobyerno ang sektor ng agrikultura at pamalakaya dahil mayroong inilaang tulong para sa mga ito para sa kanilang pangangailangan.

” To our farmers and our fisherfolk: we have not forgotten you and the government is now employing quick response measures to help you during the crisis as well as ensure food productivity, availability, and sufficiency during the period of pandemic,” anang Pangulo.

Maging ang mga nagsisimula pa lamang ng kanilang maliit na negosyo ay mayroon ding inihanda ang gobyerno para hindi gaanong maapektuhan sa epekto ng pandemic.

” The government will provide a recovery package -especially to micro, small, and medium enterprises –to help deal with the economic effects of this pandemic. My economic team is already creating the guidelines for this,” dagdag ng Pangulo.

“Nandito ang gobyerno para sa inyo,” ang pagtitiyak ng Presidente.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More