Una sa Balita

‘Manghinayang ka sa kaseksihan ko!’ Herbert hate na ni Kris ngayon

By
0 902

When Kris Aquino is around you bet bongga ang presscon like ang katatapos na I Love, Hater, kung saan isa si Kris Aquino sa main cast kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Hindi na nga itinatago ni Kris ang na­ging relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista na hanggang ngayon ay love pa rin niya. Sabi nga niya, the fact na hate niya si Bistek ngayon, ang ibig sabihin lang noon, love pa niya ito.

Pinuri rin ang kaseksihan ni Kris ng mga kasamahan sa panulat at buong ningning na sinabi ni Kris na ito ang panghihinayang ni Bistek at mami-miss niya.

Habang nagsasalita si Kris ay nasa audience ang anak na si Bimb na malaki ang tama kay Julia Barretto at by the time na nasa edad na raw siya ay nangangarap na makarelasyon ang aktres.

Most of the time sa preskon ay si Kris ang nagsasalita na na-miss ng marami ang pagiging TV talk show host niya.

Puring-puri rin niya ang magdyowa na sina Joshua at Julia pero mas type ni Kris si Alden Richards. Hindi naman na-offend si Joshua at iginagalang niya ang pananaw ni Kris. Kaya naman hindi pinili ni Kris si Joshua, dahil si Joshua nga raw ay para kay Julia. Si Alden ay libre pa raw hanggang ngayon.

Binuko nga pala ni Kris na hindi pa tapos ang movie nila at may shooting dates pa sila sa July. Kaloka dahil hindi talaga mapigilan ang bibig ni Kris na always full of fun. Hindi pa man natatapos ang shooting ng movie ay pinag-uusapan na ang follow up movie niya with Star Cinema pa rin.

Ruru madalas dumugin sa Antipolo

Dinudumog ang City Bloc Food Park ng mga taga-Antipolo at mga karatig pook. Maski ang mga mi­yembro ng Rurunatics ay dumadayo mula sa malalayong lugar lalo na kapag naka-announce ang pagbisita roon ng kanilang idolo na si Ruru Madrid. Sulit naman kasi kapag nandun si Ruru na nakikipag-jamming sa mga kuma­kanta roon. Minsan ay inaabot na sila nang madaling-araw doon habang nandun si Ruru.

Magkakaroon ng motorcade si Ruru sa Miyerkoles simula ala-una nang tanghali kung hindi mababago ang schedule. Habang maraming bakanteng oras si Ruru ay madalas siyang makikita doon. Kaya go na kayo sa City Bloc Food Park na nasa ML Quezon extension sa Antipolo City.