Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manggagantso online lumobo ngayong pandemya

0 42

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang ilang hakbang na magtataguyod sa kapakanan ng mga konsyumer laban sa mga manggagantso at mapanlinlang na pamamaraan ng ilang financial service providers.

Napag-alaman ng senador na umabot sa 15,015 ang mga reklamong natanggap ng Consumer Empowerment Group ng BSP sa unang siyam na buwan nakaraang taon o mas mataas ng 63.3% sa bilang ng mga naitalang mga reklamo noong 2019 na umabot lamang sa 9,250.

“Lubhang nakakabahala ang pagdami ng reklamo mula sa mga konsyumer laban sa mga naglipanang nagpapautang sa online o kaya ay mga loan shark na lalo pang naging mapangahas ngayong may pandemya. Alam nilang hindi sila sakop ng financial regulators kaya kailangan ng mas epektibong mekanismo na tutugon sa mga makabagong pamamaraan ng mga mapagsamantala sa kapwa,” paliwanag ni Gatchalian sa paghahain ng Senate Bill No. 2287.

Paparusahan naman ang mga financial service provider na gumagamit ng mga mapang-abusong pamamaraan ng paniningil sa mga nangutang o bayarin, ayon sa vice chairperson ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Leave A Reply

Your email address will not be published.