Una sa Balita

Manganti, Sarr muling pinaatake ng Adamson

By
0 269

PINATIKIM lang ng ­Adamson University ang University of Santo Tomas ng apat na puntos na bentahe sa 1st bago dumistansya ng 17 sa 2nd tungo sa paglipad ng Soaring Falcons ng 96-83 repeat win kahapon sa 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 men’s basketball 2nd round elims sa Big Dome-Quezon City.

Isang nakatutulig na 15-0 pasabog sa 3rd stanza ang nagpaamo sa Growling Tigers dahil sa paglayo ng Ermita-based squad 54-40 at nagpapalaot na rin dito sa Final 4 sa pagsementado sa 2nd spot sa 9-3 win-loss record, sinalya rin ang mga taga-España sa 5-7 na nagpatengga sa 6th.

“If you look at the game we were playing tight in the first half, but when we settled down, we were able to dispose of a very good team,” reaksyon ni ADU coach Franz Pumaren, na nakatuka ng dobleng pigura sa 5 niyang mga ibon sa pamumuno ng 22 points ni Sean Manganti at may may 11 markers, 14 rebounds na si Papi Sarr.

Si Renzo Subido ang sumingasing sa mga tigre sa 21 puntos habang naka-17 pts. at 12 boards si Cj Cansino. Pero hindi sumapat para mairesbak ng Uste sa Adamson ang 71-79 1st round loss noong Setyembre 22.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More