Una sa Balita

Manganti, Dennison magbabasagan

By
0 1

Mga laro ngayon (MOA Arena)
2:00 p.m. UST vs. UE
4:00 p.m. – FEU vs. Adamson

Isa ang magpapatuloy habang mapuputulan ang isa pagharap ng FEU at ­Adamson University sa 80th UAAP basketball sa Mall of Asia Arena.

Magkasalo sa third spot sa 4-2 records, maghahatakan ang parehong sumasandal sa three-game winning streak na Tamaraws at Soaring Falcons. Pareho pang UP ang huling biktima ng dalawa.

Makapigil-hininga ang huling laro ng Adamson, naligtasan ang Fighting Maroons 73-71 sa panelyong putback ni Sean Manganti noong Miyerkules.

“Well, I guess we were lucky to win that game. The whole game, we were struggling, we had a bad start, we made a lot of mental mistakes,” patungkol ni Adamson head coach Franz Pumaren sa kanilang panalo.

Sinagasaan naman ng Tamaraws ang UP din 78-59 noong October 1.

Si Ron Dennison ang sinandalan ng FEU kapag nahahabol sila ng Fighting Maroons.

Nagtala si Dennison ng 16 points, seven rebounds at three assists para sa FEU.

Samantala, pagkatapos ng first game ay may papasok na sa win-column sa pagitan ng parehong 0-6 na UE at UST.