Una sa Balita

Manganti, Adamson dinagit ang La Salle rumesbak!

By
0 106

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – UST vs NU
4:00 p.m. – UP vs UE

KINALSUHAN ng Adam­son University ang tatlong taong ba­ngungot nila sa last year’s runner-up De La Salle University matapos ilipad ang 57-50 panalo kahapon sa 81st UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Walong beses pinu­lutan ng Green Archers ang Soaring Falcons, nagsimula ito noong 2015, kaya naman itinodo ni Sean Manganti ang kanyang lakas kasama ang mga teammate upang itarak ang panalo at manatili sa tuktok ng team stan­dings kapit ang 7-2 card.

“We prepared well against La Salle, every­one was excited to play them today,” saad ni head coach Franz Pumaren.

Kumana si Manganti ng 19 points, 11 rebounds, apat na assists at dalawang steals para sa Falcons na si­nandalan ang kanilang depensa upang makuha ang matamis na panalo.

“What really transpired in this game is our defense. We showed today that we’re able to control them,” ani Pumaren.

Parehong ipinakita ng dalawang magkari­bal ang kanilang tikas sa depensa dahil mababa ang naging iskor sa first canto, 9-2, bentahe ng Adamson.

Bumakas si Falcon big man Papi Sarr ng 12 puntos habang siyam ang nirehistro ni Jerrick Ahanmisi.

Nagtala si Aljun Melecio ng 18 markers para sa Green Archers na nalasap ang pang-apat na talo sa siyam na laro.