Una sa Balita

Mangangalakal, todas sa heat stroke

By
0 125

Hindi kinaya ng ‘powers’ ng isang mangangalakal ang tindi ng init ng araw dahilan para atakihin habang nagpapahinga sa gilid ng simbahan matapos mangolekta ng mga mapapakinabangang basura, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District -Homicide section, dakong alas-tres ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Gabriel dela Cruz, residente ng Tenement Housing, Aroma, Tondo, Maynila sa tabi ng Calamba Church, na matatagpuan sa Calamba Street, kanto ng Sisa Street sa Sampaloc.

Ayon kay Antonio Bautista, 58, huling nakitang buhay ang biktima dakong ala-1:30 ng hapon sa naturang lugar, at dumaraing umano ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga.

Matapos makainom ng tubig ang biktima ay bumalik na ito sa pagtulog habang umalis naman si Bautista upang ipagbili ang mga nakolekta nilang mapapakinabangang mga basura subalit pagbalik nito ay patay na si dela Cruz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy