Una sa Balita

Mangahas dinahas ang Navotas

By
0 1,762

Mabalasik sa huling yugto si Allan Mangahas at binuhat ang Muntinlupa Cagers-Angelis Resort sa 72-69 thriller kontra Navotas Clutch-Big J Sports tungo sa pagsampa sa semifinal round ng 1st Maharlika Pilipinas Basketball League – 2018 Anta Rajah Cup sa Muntinlupa Sports Center.

Nagsalpak si Mangahas, saglit na naglaro sa Meralco Bolts sa PBA, ng 12 puntos sa second half tungo sa total 23, kasahog ng tig-anim na rebound at assist para isama ang Cagers sa early qualifier na Batangas City Athletics-Tanduay sa Final Four.

“By heart, laking Munti rin talaga ako kasi kami ng kuya ko dito kami naglalaro sa Muntinlupa sa mga liga-liga maski taga-San Pedro (City) kami. Kapitbahay lang naman halos namin yung Muntinlupa eh,” sey ni Mangahas.

Hihintayin pa ng Muntinlupa ang mangingibabaw sa upakang Paranaque Patriots at Bulacan Kuyas, na napahaba pa nang bombahin ng Gamboa Coffee-backed squad ang Ligo Sardines-supported team, 81-54, sa hiwalay na aksyon sa torneong binuo ni Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao katuwang si former PBA Most Valuable Player Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Nadagdagan naman ang pahinga ng Batangas City, na hinihintay ang matitira sa pagpapambuno ng Quezon City at Valenzuela.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy