Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mang-iipit ng SAP lagot sa Ombudsman

0 99

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na nangangasiwa sa pamamahagi ng tulong sa mamamayan na huwag i-delay ang pagbibigay ng tulong sa mga ito.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, hindi naiwasang magmura ng Presidente dahil sa report na hanggang ngayon ay mayroon pa ring mahihirap na pamilyang hindi nakatanggap ng tulong na ibinibigay ng gobyerno .

“Itong pagbibigay ng pera, sa lahat ng ayaw ko yung delay. Kagaya ng assistance , ang p****—iyang assistance kailangan pagkain nandiyan kaagad,” galit na pahayag ng Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Inutusan ng Presidente ang mga ahensiyang nakatoka sa implementasyon ng pagtulong sa mamamayan na ibigay agad ang pera at huwag i-delay dahil kapag may nakarating sa kanyang reklamo ay agad na ididiretso ito sa Ombudsman.

Nais ni Duterte na dapat sa loob ng dalawang araw ay maibigay agad ang tulong.

Batay sa ulat, maraming mahihirap na pamilya ang hindi nakatanggap sa ikalawang tranch ng special amelioration program (SAP) at patuloy na umaasang mabibigyan sila ng gobyerno.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.